Lunes, Nobyembre 27, 2017

Sa pag-unlad nang mga MOBA games sa mobile phones ay siya paglabas nang mga sari-saring MOBA games. Isa na dito ang pinakasikat at pinakamaunlad na MOBA sa mobile phones at ito ay ang Mobile Legends o ML. Ito ang maikling pagpapakilala sa mga iba't-ibang klase nang mga hero.

May 6 na classes ang ML. Ito ang marksman, mage, tank, fighter, assassin, at support. Nahahati ito sa dalawang kategorya. Ang mga long range (marksman, mage at support) at ang mga melee (fighter, tank at assassin). Ang marksman ay may mataas na physical damage at kayang umatake nang malayuan ngunit may mababa silang depensa kaya sila lang ay alas sa likuran nang laban. Ang mage ay may mataas na magical damage, kagaya nang marksman sila ay may mababang depensa ngunit kaya nilang tumapyas sa buhay nang kalaban nila nang matindi dahil sa mga skills nila. Ang support ay may mababang damage ngunit may mga buff at negative attribute skills. Mababa ang depensa nila kaya kailangan nila nang kasama na pwede nilang palakasin gamit nang buff skills nila. Sa mga melee naman. Ang fighter ay may pantay na depensa at damage. Sila ay balanse, daling gamitin at magandang pang-umpisang class sa mga baguhan. Ang tank naman ay may mababang damage ngunit may mataas na dipensa. Sila ang tumatanggap nang mga damage sa kalaban. Ang assassin naman ay may mataas na damage at moderate na depensa. Sila ang mga alas sa pagpatay ngunit madaling patayin kaya mahirap silang gamitin. May mga hybrid ding mga class ngunit sa susunod ko nalang ito babanggitin

Nakabase sa paggamit mo nang tama sa hero ang takbo nang laban. Kaya dapat alamin mo kung ano kakayahan mo upang di matalo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento